Pagpapatuloy ng kwento mula sa pagbisita sa:
Victoria Peak
Hong Kong Disneyland
Hong Kong Ocean Park
Ang pinaka inabangan ko sa pagbisita sa Hong Kong ay hindi ang pamimili (shopping) kundi ang pagtikim ng mga pagkain dito. Nang oras na lumapag ang eroplano sa paliparan ay nasambit ko, “Sa wakas, makakatikim na rin ako ng totoong Chinese food.” Naglipana ang mga Tsinoy na kainan sa Pilipinas at ibang bansa. Subalit nananalaytay ang kaisipan na ‘mas masarap ang adobo at kare kare kapag talagang luto sa Pilipinas’. Kung saan iba pa rin ang curry na luto sa India, shawarma sa Gitnang Silangan, at iba pa.
(May masarap na fresh fruit juices malapit sa Charlie Brown Cafe)
Sa ilang araw na pagbisita namin sa Hong Kong, partikular na sa Tsim Sha Tsui, ang mga sumusunod ang ilan sa nagustuhan ko, ang iba rito ay hindi naman katutubong pagkaing Tsinoy:
(a) Noodles mula sa Traditional Chinese Noodle
Sari saring noodles ang matitikman mo sa bansang ito. Subalit ang pinaka nagustuhan ko ay ang luto mula sa Traditional Chinese Noodle.
Maaari kang mag order ng basic noodle at ikaw ang pipili ng mga panlahok. Ang inorder ko ay pinalagyan ko ng fishballs, bituka ng baboy (pork intestine), century egg, at taba ng alimasag (crab meat). Pwede itong ihapag bilang normal na lasa, medyo maanghang (medium spicy), at sobrang maanghang (hot and spicy).
Medyo maanghang ang noodles na kinain ko. Grabe, ang sarap ng kombinasyon. Medyo sinipon nga lang ako sa anghang. Pero panalo talaga ang lasa. Masarap.
(Nagtitinda ng kastanyas si Manong sa harap ng Bella fashion store)
Ang Traditional Chinese Noodle ay matatatagpuan sa kalye ng Hau Fook. Mula sa kanto ng Park Hotel, dumiretso at kumanan. Sa kalyeng ito ay mabuting mag food trip.
May Vietnamese resto na hindi ko pinasok sapagkat mali ang pagbaybay (wrong spelling) sa karatula (signage). Haha. Ang totoo nyan, pangkaraniwan ang pagkakamaling ganyan dito.
Mabenta rin dito ang mga alimango na inakala kong mga kakanin dahil mukhang suman. Noong nilapitan ko ay mga buhay na alimango pala.
(b) Egg Tarts
Madaming suki ang Sun Yat Restaurant. Isa sa pinaka dinudumog na paninda nila ay ang egg tart. Sa umaga pa lang ay ubos na ang mga tarts na ito.
(Ang tindera at ang pinsan ko ang nasa larawan. Pinutol ko ang imahe nya sapagkat gusto nya ng certain level of anonymity, kagaya ko.)
Sa tingin ko ay swerte ang Tsinay na tindera nila. Siya ay masayahin at fashionista.
Kung nais mo nang mas masarap na egg tart ay pumunta ka sa KFC. Mas mahal ng konti ang presyo nila pero sulit naman.
Subalit ang pinakamasarap na egg tart ay wala sa Hong Kong, kundi nasa Macau. (Ilalahad ko ang kwento sa Macau chronicles ko).
(c) Sopas mula sa KFC at Mc Donald’s
Kahit saan ka pumunta, mahirap talagang takasan ang halina ng Mc Donald’s breakfast meal. Maigi ring pantawid gutom ang mga fastfood outlets na ito para sa mga taong hindi gaanong mahilig manuklas (explore) ng pagkain.
Nagustuhan ko ang KFC at Mc Donald’s ng Hong Kong dahil sa kanilang handang sopas tuwing umaga. Hindi sopas ang pangalan nito sa menu. Subalit hindi ko na matandaan ang partikular na pangalan ng macaroni variation na ito. May kamatis ang sa KFC, sa Mc Donald’s naman ay may green peas na may nakapatong na patty. Makaiba pero parehong masarap.
(d) Suckling pig and shrimp soup mula sa Guangdong Barbecue Restaurant
Hindi ko maintindihan kung bakit ito tinawag na barbecue restaurant. Wala naman silang gaanong tindang barbecue. Ang best seller nila ay ang suckling pig. Masarap. Okay din ang shrimp soup. Half-cooked nga lang ang pagkakaluto.
Hindi ko makakalimutan ang serbisyo nila. Inabot kasi kami ng 48 na taon bago naintindihan ang order namin. Kahit na binigyan na kami ng English menu, extra challenge ang inabot namin sa pag order. May kasama pang aksyon iyon. Hindi kasi marunong makaintindi ng Ingles ang lahat ng empleyado nila, bukod sa Manager. Mabuti na lang nandoon siya. Kung hindi lilipat na sana kami ng kakainan. Kundi lang magdanda ang feedback sa suckling pig nila. May kamahalan rin ang presyo ng mga tinda nila kumpara sa ibang kainang Tsinoy.
(e) Potato Swirl
Kapag nagawi kayo sa Ocean Park, huwag nyong kalilimutang tikman ang pulu-pulupot (swirl) na patatas na ito. May iba ibang flavor, gaya ng curry, barbecue, at iba pa.
(f) Pagkaing Kalye
Eksakto sa pagbisita ko sa HK ay ang balita na may bird flu raw dito. Parang noong unang beses kong nadestino sa Baguio (para sa 2 linggong trabaho), kasagsagan ng SARS noon kaya naman naka maskara ako araw araw. Pero dito sa HK, hindi na ako nag maskara. Para naman kasing dedma (walang pakialam) lang ang mga residente at turista. Kung magmamaskara pa ako ay baka masabihan naman ako na sobrang arte ko at hindi ako papasukin sa mga lugar pasyalan. Haha.
Bukod sa kawalang takot ko na tumikim pa rin ng putaheng manok sa kabila ng alertong pangkalusugan, ay sumubok rin kami ng pagkaing kalye. Sa isang kanto sa Tsim Tsa Tsui pa rin, dinudumog ang isang tindahan ng mga pagkaing tinutusok.
Hindi nakakaintindi ng Ingles ang mga tindera. Kaya tinanong ko ang isang magandang mamimili,
Ako: Malinis ba ang tinda nila? Safe bang bumili dito
Tsinay: Oo, wala namang nagrereklamo.
Ako: Anong masarap na bilhin? (May tinuro ako. Sa tingin ko best seller yun, kase by batch ang luto) Yun, masarap ba yun?
Tsinay: Oo! Masarap yan.
Ako: Mukha nga, madaming bumibili nun. Ano kaya yun? Karne ng baboy o manok?
Tsinay: Hindi ko alam.
Ako: Hindi mo sigurado kung baboy o manok?
Tsinay: Hindi ko alam kasi hindi ko pa natikman eh.
Ako: Ah Okay. (Ang gusto kong sabihin, bakit nya sinabing masarap hindi nya pala natikman).
Suma total, bumili kami ng tofu at nang mukhang best seller. Para itong bituka ng baboy. Masarap. Kinabukasan, nag craved kami nito eksakto para sa midnight snack at bumalik sa tindahan. Sarado. May schedule pala sya.
(g) Hang Cheung’s Kitchen
Kung kainang sosyal naman ang tipo mo, irerekomenda ko ang Hang Cheung’s Kitchen. Maganda ang lugar at risonable ang presyo kumpara sa iba. May kabagalan nga lang ang serbisyo.
Masarap ang kanilang steamed pork dumplings, abalone and pork congee (the best!), pan fried seafood, at pangkaraniwan naman ang lasa ng kanilang fresh fruit crepe at banana split.
(h) Korean Squid
Ito ang numero uno sa aking listahan ng patok na mga pagkaing natikman ko sa ilang araw na pagbisita sa Hong Kong. Ito ay ibinebenta sa ilang kiosks sa Disneyland, kasama ang cotton candy, mushroom pie (sayang, hindi ko natikman) at kung anu ano pa.
Nagsisisi ako at hindi ko na-tsek sa mga tindahan sa Pilipinas kung mayroon sila nito. Nagdala sana ako ng marami pabalik rito. Habang sinusulat ko ito ay kasalukuyan akong nagsasaliksik kung saan makakabili nito sa Pilipinas, wala kasi nito sa UAE. Darating ang kaibigan ko dito sa Marso o Abril, at plano kong ipasama ito sa mga dadalhin niya para sa akin bilang kontrabando (pasalubong), bukod sa Eraserheads concert DVD, Meiji chocolates, at ilang pirasong anik anik at pampaganda.
Gusto kong bumalik sa Hong Kong kung may pagkakataon. Nakaramdam kasi ako ng sense of belongingness doon. Haha. Seriously, madami pa kasing dapat i-explore na pagkain, lugar, at ibang bagay.
0 thoughts on “Pagkain sa HK na hinahanap hanap pa rin”
mordsith
ang adventurous mo talaga sa pagkain! konting chinese food lang ang natikman ko dun, hindi ko rin naman kasi ganun kahilig. pero ang umaga ko dun ay mcdo o kaya kfc. pero kumakain din naman ako dun sa mga fast food sa Tsim Tsa Tsui. 🙂
LikeLike
glenville
reading your hk posts made me miss hong kong. halos ten years na yata ako huling pumunta doon. at ang mga litrato mo ng mga pagkain – nakakagutom! =0
LikeLike
kayni
i love, love, love the food photos. i’ve also wondered how different is american-chinese cuisine to real chinese cuisine. two words i can say right now – super bad cravings for chinese food and gutom.
LikeLike
kayni
sorry, i meant a couple of words…lol. i am delirious after looking at all those photos.
LikeLike
jeanny
Oh my wits…sa lahat ng entries mo dito ako pinakanagutom…mahilig ako sa dumplings. Hay anu ba yan, nagbago yata isip ko na yayain si hubz sa jap resto parang sa chinese resto ko na sya yayain later for dinner!
LikeLike
upto6only
wow super sarap. namis ko tuloy yung Binondo Tour naman. would you believe that I went back there with my officemates to eat all the food that we ate during the binondo wok. hahahaha. kami naman ang nag tour dun sa iba na hindi namin kasama nun.
LikeLike
Rico
Nakot kaming bumili ng street foods sa HK. Siguro pag balik namin. Tama ka, parang ang dami pang pwedeng gawin at tiklasin sa HK.
Ricos last blog post..bake fest
LikeLike
edelweiza
waaaah…grabe ka namang magblog..sobrang epektib! nagutom ako bigla at naglaway…haaaay..gustung-gusto ko pa naman ng chinese food dahil malasa ito.sana lang di MSG ang nagpapasarap sa chinese food sa mga kainan dito sa pinas. 🙂
LikeLike
sheng
Ang sarap ng post na ito, natikman ko lahat! Sarap sarap!
shengs last blog post..Movies… and a Lot More Movies
LikeLike
garando
WOW! When I saw that xiao long pao my laway made tulo! Sobrang nakaka gutom yung photos mo. And buti na lang meron nang Lord Stows dito sa Manila. Their egg tarts are da best!
garandos last blog post..The Glorious Bento Days
LikeLike
J.
Oh. My. God. I took about 20 minutes reading this post. First off, because I had to read the Tagalog word for word, hehe. There’s something so different about gustatory delights described so well in your mother tongue! And the food photos are overwhelmingly delicious! Now I’m REALLY craving for egg tarts!
J.s last blog post..Art: It’s NOT Relative
LikeLike
dyanie
wooow tagalog ata post mo ngayon jo? anu meron? hehe 😉
saraaap talaga ng street food sa HK! kami kinain namin dati calamares at kung kung anung dumplings. nag try sa cafe coral resto? masarap din dun! 🙂
oo tama ka! the best egg tarts nga sa macau! yung friend ko pasalubong nya samin yun dati eh. hay namiss ko bigla.
LikeLike
sterndal
noodles! i want noodles! 🙂
everything on the photos looks yummy!
cheers!
LikeLike
yummybite
grabe jo! sobrang ginutom ako ng post mo ah lalo na yung noodles. nakakatakam!
yummybites last blog post..there is really nothing to miss
LikeLike
BlogusVox
LOL! Maanghang nga, dahil tulo sipon ka eh.
Kahit “street foods” yan, mas malinis naman tingnan kesa sa “street food” sa Recto.
Malapit ba ‘to sa “night market”(yun bang sa kalsada nagtitinda ng pekeng signatures)? Dyan ko kasi nakitang maraming “street foods”.
BlogusVoxs last blog post..Nickname
LikeLike
ever
napansin ko yung balimbing..may puno kami nun,ginagawa rin palng fruit juice yun!
evers last blog post..BuHanginG bAgYo na nAman!
LikeLike
yummybite
napadaan uli ako..i ate my breakfast naman pero kakagutom talaga.
lol
yummybites last blog post..there is really nothing to miss
LikeLike
bw
Interesting variation of the KFC and McDo ! The Hongkong version
reflects the kind of variation people would want to eat. I bet it happens to almost every country these franchises are present.
Net net, nagutom ako sa post mo hehe 🙂
bws last blog post..It Pays to Be Boring…. Sometimes
LikeLike
toni
My gulay! Isang matinding food trip ito ha. Naaliw ako sa nakapulupot na patatas. Ibang klaseng presentation! 😀
LikeLike
Daphne
Wow ang takaw mo pala 😀
Oops ang ibig kong sabihin ang tapang mo tumikim ng mga pagkain na kakaiba. 😀 Noong nasa HongKong kami kasama ko ang aking mga magulang na bukod sa ang daming bawal sa kanila eh medyo maselan pagdating sa mga pagkain. Tapos kami naman ni D eh hindi basta basta kumakain ng mga makakatabang pagkain din.
Pero napansin ko nga na iba lasa ng Chinese food doon kasya dito. Hindi ko nagustuhan. Mas gusto ko Chinese food na available dito mas na aangkop sa panlasa ng mga Pinoy 🙂
LikeLike
katcarneo
Gusto kong makatikim ng egg tart na yan ha! At sana makatikim ng din ako ng tunay na shawarma, kasi yung shawarma palang dito sa Pinas love ko na, sigruo mas masaya yung talagang galing Middle East.
katcarneos last blog post..The Reader and The Teacher
LikeLike