Ano nga ba ang tamang basehan nang pagbibigay ng pangalan sa isang tao? Naalala ko ang ikinuwento nang pumanaw kong Lola. Dati raw ay sa mismong araw ng kapanganakan pa lamang iniisip kung ano ang ipapangalan sa sanggol. Ngunit sa makabagong panahon, ilang buwan bago ang kapanganakan ay nakahanda na ang ipapangalan kung sakaling ang sanggol ay babae o lalaki. Sa Pilipinas at ibang bansa, kadalasan ang kasarian ng sanggol ay alam na. Ngunit sa ilang piling bansa, kagaya ng India, ipinagbabawal ang ultrasound, sapagkat ito ay hindi naaayon sa kanilang tradisyon.
Noong ako ay nasa haiskul, nakarinig ako ng kakaibang pangalan sa unang pagkakataon. Kung ano ang kanyang apelyido ay iyon din ang eksaktong pangalan niya. Ang dahilan? Ayon sa kanyang mga magulang, para raw madaling tandaan sa tuwing isusulat ang pangalan noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Simula nang napunta ako sa Gulpo, muli kong naengkuwentro ang ganitong kumbinasyon ng pangalan. Sina Mohammed Mohammed, Mohammad Mohammad, at marami pang iba.
Bukod sa inuulit na kumbinasyon ng pangalan, mayroong ding napakahirap bigkasin at pagkahabang pangalan nang ibang lahi. Nang lumaon, napag alaman ko na ito ay parte ng tradisyon nila. May mga lahing kailangan na maging parte ng pangalan nila ang pangalan o/at apelyido ng kanyang mga kamag anak. Β Mayroon din namang ibinabase ang pangalan ng sanggol ayon sa horoscope nya (isang tradisyon sa India). At ang nagbibigay ng pangalan ay ang isang mentor ng grupo nila.
Ayon naman sa modernong Feng Shui, masuwerte ang mga pangalan na ang suma ay odd number. Mayroon din namang pangalan na base sa Gregorian calendar. Ang mga anak naman ng komedyanteng si Bayani Agbayani ay pinangalanang Rosalinda at Thalia sapagkat kasikatan ng teleseryeng/artistang ito noong nanganak ang misis nya. Dumating din ang panahon na naging 2 at 3 pangalan na (halimbawa, Maria Cristina Agatha) ang nauso, mayroong panglalaking pangalan na ibinibigay sa babae na sanggol, o ang kabaligtaran nito.
Interesante rin ang mga kaso ng mga pangalan na sinaliksik muna ng mga magulang ang kahulugan bago ito napagdesisyunan. Sapagkat nais nilang maging representasyon ito ng anak niya. Tama lamang iyon, sapagkat nakakabalisa naman kung pangangalan mo ang sanggol ng “Makisig” o “Maganda, Lovely, Pretty” kung siya naman ay saksakan nang pangit. Mayroon akong kaibigan na ang ipapangalan sana sa kanya ay “Sophia”, hindi dahil sa kahulugan nito. Sapagkat siya ay aksidenteng ipinanganak sa sofa. Hindi na umabot sa ospital ang nanay niya.
Noong bata pa ako tinanong ko ang aking tatay kung hango sa bibliya ang pangalan niya, ang asawa ni Birheng Maria. Subalit hindi. Ayon saΒ kanya,Β noong ipinanganak siya ay wala pang nakahandang pangalan para sa kanya. Kaya’t kinopya ang pangalan niya sa kanyang pinsan at tiyuhin. Kaya tatlo silang may pangalang Jose sa kanilang angkan. At sa tingin ko ay mahal na mahal nila ang pangalang iyon. Kung kaya’t nang ipinanganak ako, ang pangalan ko ay hinango rin doon. Iyon ang lihim ng aking pangalan, Jocelyn.
Nang ako ay dalagita na at nagsimula ko nang magustuhan ang serye ng Spiderman, nagkaroon ako nang nakakatawang kahilingan. I wished that I was named Mary Jocelyn instead. Para ang palayaw ko sana ay MJ, gaya ng kapareha ni Peter Parker na si Mary Jane (MJ). Hahaha.
Ikaw, ano ang kwento ng iyong pangalan?
0 thoughts on “Kwentong Kayumangi # 4: Ano ang lihim ng iyong pangalan?”
vhia
nice post!
nwei, my full name is ma.olivia andria
my mom’s name has ma. also
olivia is from my mom’s maiden name, oliva
however, andria is from my older brother named andrew.
LikeLike
witsandnuts
Hi Vhia! Your name sounds good. This is the first time I heard of Andria (normally it is Andrea). Thanks for visiting. π
LikeLike
Daphne
my full name is Daphne Laura. I was named after my mother’s fave author, Daphne du Maurier. But because daphne daw wasn’t a christian name, they had to add Laura. Supposedly the saint on the day I was born or maybe the day I was baptised, my mother has forgotten where ‘laura’ came from. hehe
Daphnes last blog post..
LikeLike
BlogusVox
Dalawa ang pangalan ko. Ang una ay nagmula sa Alimanya na ang ibig sabihin ay “tagapagtanggol”. Ngunit ang sabi nang ina ko, ginaya ito sa paborito nyang Amerikanong aktor. Ang pangalawa naman ay hinango sa santong pangalan nang ospital kung saan ako ipinanganak. Hindi ko ginagamit ang pangalawang pangalan dahil napakahaba kung isulat ang buo kong pangalan. Kaya nag karoon ako nang problema at pumunta pa sa husgado para kumuha nang dokumentong nagpapatunay na si ganito (isa ang pangalan) at si ganito (dalawa ang pangalan) ay iisang tao.
BlogusVoxs last blog post..Buhay Buhangin (series #7)
LikeLike
BlogusVox
BTW, ibinoto kita sa TOP 10 2008 Pinoy Expats Blog.
BlogusVoxs last blog post..Buhay Buhangin (series #7)
LikeLike
witsandnuts
Maraming salamat. Maraming salamat din sa nagnominate sa site ko. I checked nandun ka rin. π
LikeLike
Jeanny
Hello hello!!!
Ang pangalang ibinigay sa akin ay Jeanny…
Nanay ko tawag sa akin ay Genie (sa lampara)
Tatay ko at mister ko naman tawag sa akin ay Jenny
Titser ko sa english ang tawag sa akin ay Je-annie (ang arte, hahaha)
Titser ko sa math tawag naman sa akin ay Jean (oh ha)
Mga kaibigan tawag sa akin ay Jen naman.
Hahaha…kakatawa di ba. Nag evolve na ng husto ang pangalan ko. π
Pero ako tawag ko sa sarili ko, maganda hahaha!
Have a great week MJ as in Ms. Jo π
Jeannys last blog post..Itβs just delicious.
LikeLike
witsandnuts
Haha, MJ. Dream came true. π
Akala ko hindi Jenny ang pagbigkas sa name mo. Akala ko as in “Jean-ny”. Ang dami ng nicknames mo. Enjoy the long weekend there!
LikeLike
Panaderos
Isa lang ang pangalan ko at hinango ito ng aking ama sa isang sikat (daw) na basketbolista noong siya ay nag-aaral pa sa University of the East noong unang bahagi ng Dekada 60. Dinagdagan pa ng ama ko ng letrang “H” ang pangalan. Ang problema nga lang eh noong ako’y ipinanganak, nalipat ng nurse ang H sa pangalan ko. At iyong kakaibang spelling na iyon ang nananatili sa aking birth certificate. Iyon na rin ang aking ginamit.
Hindi ko gaanong kinagigiliwan ang pangalan ko. Sana ay binigyan na lang ako ng ibang pangalan. Hay naku.
Panadeross last blog post..An Afternoon By The Waterfront
LikeLike
PM
may nakita na din akong ganiyan. duran duran ang pangalan. ibang klase. ai inadd pala kita sa blog roll ko.
PMs last blog post..Baby You Can Drive My Car
LikeLike
caryn
nice one! π
my name is caryn virginia. caryn was from one of my mom’s mills and boon pocketboocks called “unwanted wife” (how exciting!) and virginia for my maternal grandma π
caryns last blog post..Peko chan
LikeLike
witsandnuts
I thought Caryn is just your nickname. I have an aunt named Virginia. π
LikeLike
rhea
Ilang beses ko narin ni-research ang pangalan ko sa internet. Pag-google ko sa “rhea”, nalaman ko na sya pala ay the mother of all gods (naks!) o kaya naman ay isang uri ng ibon. Pero hindi ito dahilan kung bakit binigay sakin ang pangalan na to, sabi ng nanay ko may paborito daw kasi syang artista noon na may “rhea” sa pangalan, di ko alam kung first name o last name. Ang pangalawa ko namang pangalan na “angela” ay binigay sakin kasi kamukhang kamukha ko daw ang ate ko na panganay na namatay pagkapanganak sa kanya ng nanay ko. So para daw ibinalik sa kanila ang nawala nilang anak…thus, “angel” daw ako from heaven. (Naks nanaman!).
Samakatuwid..ang pangalan ko pala na Rhea Angela ay “Dyosa na, Anghel pa!” Hehe..:)
rheas last blog post..Car hits tree in Makati; 3 hurt; My Lasalle Blockmates to the rescue! GOOD JOB!
LikeLike
witsandnuts
Naks! Mala anghel na dyosa. Yung pinsan ko Rea din (without the H). π
LikeLike
SleeplessInKL
hay naku! the story about my name is as long as my name. so i prefer to stick to my nickname π
but you know what’s weird? when i was in elementary school and high school, everyone called me by my first name, which i hated. when i finally got to college, i chose to go by my nickname. most people know me by my nickname now but whenever i post to our high school alumni’s mailing list, i have to use my first name because (1) most people get confused and (2) even though i use my nickname, people still refer to me by my first name.
LikeLike
witsandnuts
I’d love to know your real first name. Ang ganda ng domain/ URL mo. Maraming salamat sa pagbisita. π
LikeLike
jenny lee
ang pangalan ko po ai jenny lee dahil po lahat kaming pamilya ay nag sisimula sa leeter j ang pangalan kaya jenny ang kanila binigay na pangngalan sa akin…..
LikeLike